PRIMERA
Unang panalangin ko bago lumarga
Manatiling maluwag ang mga upuan sa likuran.
Huwag maaborido ang tsuper.
Tyagain ang ulang nagdaramot ng pasahero.
Upang matagal-tagal tayong magtabi sa jeep,
habang nanlalamig ang bubong nitong yero
at binabalanse ng sikip.
SEGUNDA
Pangalawa, ang patuloy na pag-apak ng drayber sa gas
ay pagharurot din ng oras.
Gaya ng ibang ruta
Pa-Baclaran man o Rotonda
magwawakas itong ating pasada.
Kaya't makisama sana ang mga stop lights.
Tumawid ang isang batalyong tao
sa hindi maubos-ubos na poste't mga kanto.
TERSERA
Ang ikatlo ay may pagkapilyo
sa isip-isip ko'y mapakikinabangan ko rin sa wakas
ang palpak na trabaho
ng DPWH.
Pasimple tayong paglalapitin
nang pabitin-bitin
nang pabitin-bitin
dahil sa mga humps na di pantay
o mga di tapos na hukay
o mga pagbabasag ng daan sa gitna ng ulan
o mga pagbabasag ng daan sa gitna ng ulan
Dahil kung saka-sakali
Pagbabanggain nito ang ating mga braso
Pagbabanggain nito ang ating mga braso
mga kamay nati'y magkakasagi
magkikiskis nang ilang sandali.
CUARTA
Ikaapat ang panalanging desperado
habang mabilis nating iniiwan ang mga kanto
Hiling kong makaiwan ka rin ng kahit na ano.
Pitakang may lamang larawan
larawang may buong pangalan
at may numerong matatawagan.
QUINTA
Kung gaano kabilis
magsakay at maghatid ng pasahero
Gano'n din sana ang pagtatagpo
ng dalawang puso.
Parehong may nananalo
sa pagsambit ng:
"Bayad" at "Para ho!"
At kung sumasakay lang sana ang pag-ibig
QUINTA
Kung gaano kabilis
magsakay at maghatid ng pasahero
Gano'n din sana ang pagtatagpo
ng dalawang puso.
Parehong may nananalo
sa pagsambit ng:
"Bayad" at "Para ho!"
At kung sumasakay lang sana ang pag-ibig
sa isang ikot-pasada ng jeep
babyahe ako nang paulit-ulit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento